-- Advertisements --

Nagtamo ng hindi bababa sa 10 saksak sa katawan si dating USA gymnastics doctor Larry Nassar habang ito ay nasa loob ng kulungan.

Nakakulong kasi si Nassar dahil sa kasong federal child pornography.

Ayon kay Joe Rojas ang pangulo ng local correction officers’ union sa Florida na hindi bababa sa 10 ang saksak ni Nassar.

Dalawa aniya sa leeg, dalawa sa likod at anim na saksak sa dibdib.

Rumesponde naman ang mga correction officers para iligtas ito at mabilis na dinala ito s pagamutan.

Nahatulang makulong ng 60-taon si Nassar dahil sa kaniyang kaso.

Inaalam na ng mga opisyal ng United States Penitentiary (USP) Coleman II, sa Sumterville, Florida ang motibo ng insidente.