-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ngayon ni Pinoy boxing champion Manny Pacquiao sa pagpanaw ng dati nitong trainer at cornerman na si Jonathan Peñalosa Sr.

Pumanaw si Peñalosa Sr sa edad na 57 dahil sa colon cancer.

Siya ay naging WBC Internatonal flyweight champion bago naging trainer.

Kapatid siya ng mga dating world champions na sina Dodie Boy at Gerry Peñalosa.

Sa social media account ni Pacquiao ay nagpost ito ng mga larawan at video kasama ang namayapang trainer.