CAGAYAN DE ORO CITY – Patung-patong na kaso ang isasampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-10 laban sa isang retiradong sundalo dahil sa paglabag ng Republic Act No. 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.
Ayon kay CIDG-10 Deputy Chief Police Lt. Col. Napoleon Carpio, mula sa sala ni Presiding Judge Mirabeaus Undalok sa Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 43, Gingoog City, ang inilabas na search warrant laban sa suspek na si Remuel Warguez, 48 anyos, may asawa at dating enlisted personnel ng 52nd Engineering Brigade at residente ng Isabel Village, Barangay Tankulan, Manolo Fortich.
Mas lumakas aniya ang kanilang pinanghahawakan ebidensya matapos ipinost pa ng suspek ang kanyang mga armas na walang lisensya sa Facebook.
Nang maisilbi ang warrant, laking gulat pa ng mga pulis kung bakit may itinatagong 60 grams ng shabu ang suspek sa loob ng kanyang kuwarto kung saan nakuha ang kanyang mga armas at bala.
Aabot sa P400,000 market value ng nakompiskang shabu.