Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Nananatili sa kustodiya ng kapulisan ang isang retiradong sundalo at dating kapitan matapos mahulihan ng mga iligal na armas sa isinagawang operasyon sa Tarangnan, Samar.

Kinilala ang suspek na si Efren Cagomoc, 59-anyos; at ang kasama nitong si Ronita Habon, 47, kapwa nakatira sa Barangay Cagtutulo, Tarangnan, Samar.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang ilang mga kontrabando sa kanilang bahay pati ang dalawang unit ng cal. 45, dalawang hand granade, mga live ammunition at magazine.

Sinasabing si Cagomoc ay dati nang lider ng newly identified group na kilala sa tawag na “Cagumoc Group” na nakabase sa Samar.

Dinala na sa istasyon ng pulisya ang mga nakumpiskang gamit.