-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang retiradong pulis sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si SPO4 Delioso Sanday, 62, may asawa at residente ng Sitio Ronda, Brgy Gadungan, Parang, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Parang PNP na nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanyang tahanan ng ito ay pagbabarilin ng mga suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga namaril sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Parang.

Patay on the spot si SPO4 Sanday nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Nahuli rin ang tatlong suspek na kamag-anak lamang ng biktima na nakilalang sina Mentang Sanday Usman, 31; Aded Usman, 28, at Basir Makatanong 35, mga residente ng Brgy Sagasab Parang, Maguindanao.

Alitan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.