-- Advertisements --

Arestado ang dating pulis na suspek sa pagpatay kay public relations na si Bubby Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito noong 2000.

Ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), naaresto nila ang suspek na si William Reed III, 57-anyos sa ikinasang operasyon sa Pulilan, Bulacan.

Ang dating Senior Police Officer I ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong 2001 ni dating President Judge Rodolfo Ponferrad ng RTC Branch 41 sa Manila sa kasong double murder na walang inilaan na piyansa.

Kasama ang suspek sa Most Wanter Persons sa National Level na mayroong P250,000 reward.

-- Advertisement --

Dalawang saksi ang nakakita sa suspek na kabilang ito sa dumukot sa dalawang biktima noong Nobyembre 24, 2000 kung saan tinalian pa ng pulis si Corbito bago sila sunugan.

Ilang mga mataas na opisyal ng bansa ang nadawit sa kaso kabilang na dito si dating Pangulong Joseph Estrada.

Nauna ng sumuko si dating Senior Superintendent Cezar Mancao II noong 2017 matapos na tumakas sa kustodiya ng NBI noong Mayo 2013.