-- Advertisements --

Nailipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si dating Police Lt. Col. Rafael Dumlao III , ilang araw matapos na ito ay maaresto ng mga otoridad dahil sa pagpatay sa negosyanteng South Korea na si Jee Ick Joo noong 2016.

Una ng na-acquit si Dumlao noong 2023 subalit binawi ito ng appellate court noong 2024.

Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region chief Col. John Guiagui, napatunayang guilty si Dumlao.

Dagdag pa nito na napatunayan ng mataas na hukuman na guilty ang dating police official.
Nahatulan si Dumlao ng minimum na 30 taon na pagkakakulong.

Ayon naman kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr, na dumaan sa kumprehensibong protocols si Dumlao para sa kaligtasan ng ilang mga kasamahan niyang person deprived of liberty (PDL.)