pulis2
-- Advertisements --
pulis3

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) ang isang dating pulis na sangkot sa kidnapping ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


Ayon kay PNP AKG Spokesperson, Major Rannie Lumactod, nahuli si dating PO3 Allan Formilleza sa kanyang tinitirhang bahay sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Si Formilleza ay may standing warrant of arrest at nahaharap sa kasong murder, estafa at theft.

Paliwanag ni Lumactod, miyembro si Formilleza ng Gapos Gang na pumupuntirya sa mga opisyal ng BIR sa Metro Manila at Central Luzon.

Modus nila na pasukin sa bahay ang mga opisyal ng BIR at kunin ang mga ari-arian nito o hindi kaya naman ay dukutin ang mga ito.

-- Advertisement --

Ang naarestong pulis ay dating nakatalaga sa Quezon City Police District Station 6 bago nasibak sa serbisyo dahil sa pag-AWOL noong nakaraang taon.