Pumanaw na sa edad na 86 ang dating Philippine foreign affairs undersecretary for policy and envoy to the United Nations na si Lauro Baja Jr.
Kinumpirma ito ng kanyang pamangkin na si Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja.
Ayon sa kanyang apo, heart attack ang ikinamatay ng dating opisyal.
Si Lauro Baja Jr. ay nagsilbi bilang Philippine ambassador sa Italy, Brazil at UN noong huling umupo ang Pilipinas sa isa sa mga nahalal na puwesto sa UN Security Council mula 2004 hanggang 2006.
Kinatawan niya ang Pilipinas sa mga diplomatic conferences , kabilang ang Rome conference na nagtatag ng International Criminal Court, at nagsilbi sa mga senior official capacities sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Non-Aligned Movement meetings, bukod sa iba pa.
Naging instrumento siya sa pagbuo ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at ng ASEAN Joint Declaration Against Terrorism.
Pinarangalan din siya sa pangunguna sa pagpasa ng landmark na Resolution 1546, na nagtatag ng proseso ng paglipat ng pulitika sa Iraq.
Samantala, nakatakda namang ilibing si Baja sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.