-- Advertisements --
Malugod na tinanggap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagka-absuwelto ni dating Senador Leila de Lima sa ikalawang kaso nito na may kaugnayan sa iligal na droga.
Ito mismo ang kinumpirma ng dating legal counsel ng pangulo na si Atty. Salvador Panelo.
Sinabi ni Panelo na bilang abogado rin ang dating pangulo ay kaniyang ginagalang ang naging proseso ng korte ukol sa kaso ng dating senador.
Paglilinaw pa ng dating pangulo na hindi siya ang nasa likod sa pagpapakulong sa dating senador.
Iginiit pa nito na hindi kailanman siya nakialam sa kaso na kinakaharap ng dating senador.