-- Advertisements --
Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si dating Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Dahil dito, hindi na raw ito makakadalo sa State of the Naiton Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa statement na inilabas ng kampo ni dating Pangulong Arroyo, unang nagpositibo sa antigen test ang dating pangulo noong Hulyo 15 at agad nag-quarantine.
Sumailalim ito sa RT-PCR test noong Hulyo 22 pero nag-positibo pa rin.
Tatlong araw bago ang unang COVID-19 positive result ay dumalaw si ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.
Sinabi naman ng kanyang doktor na si Dr. Martha Nucum na tuloy-tuloy daw ang pag-inom ng dating pangulo ng gamot para sa COVID-19.