-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating opisyal ng Tugaya Water District na si Jamaloden Faisal sa kasong graft at malversation of public funds na inihain laban sa kanya.

Si Faisal na dating general manager ng naturang water district ay napatunayang nagkasala sa pagbubulsa nito ng mahigit P10 milyon na public funds sa pamamagitan ng itinayo nitong bogus water supply improvement project nong 2011.

Ayon sa state prosecutors, ginamit umano ni Faisal ang kanyang posisyon upang makapagbukas ng bank account para sa kanyang opisina at winidraw rin nito ang naturang pondo na para sa proyekto at ginamit para sa kanyang sariling interes.

Isinumite rin ng prosecutors ang ilang disbursement voucher, acknowledgment receipt, withdrawal slips kabilang na ang mga bank documents upang patunayan na nakuha ni Faisal ang naturang pera.

Sinabi pa ng korte na si Faisal man mismo na hindi na nagbigay at nagsumite pa mga ebidensya upang tanggahihan ang mga paratang sa kanya.

Si Faisal ay hinatulan ng aabot 40 na taong pagkakakulong at tuluyan na itong pinagbawalang humawak ng anumang posisyoon sa alinmang opisina ng gobyerno.

Pinagbabayad rin ito ng multang aabot sa ₱10,074,680 million o katumbas yan ng halagang kanyang kinuha kasama na ang 6% interes kada taon hanggang mabayaran ito ng buo.