-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nadakip sa isinagawang drug buy bust operation ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Centro, Cabatuan, Isabela.

Ang nadakip ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station ay si Michael Aquino, 37, mixer driver ng isang construction company.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, matagal nang sinusubaybayan ng mga otoridad ang suspect hanggang matagumpay na nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga at buy bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspect.