Nakapagsimite na ng tugon si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy sa petisyon naglalayong ideklara itong guilty ng indirect contempt of court.
Sa komento ni Badoy, inihirit nito sa Supreme Court na ideklara siyang hindi guilty ng indirect contempt.
Iginiit nitong wala siyang sinabi sa kanyang mga social media post na maikokonsiderang incitement.
Ang petition na inihain ng grupo ng mga abogado noong nakaraang buwan ay nag-ugat sa mga banat ni Badoy sa social media na layong insultuhin at ipahiya si Manila Regional Trial Court Presiding Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.
Binatikos ni Badoy si Malagar dahil sa desisyon nitong ibasura ang proscription case ng Department of Justice (DoJ) na layong ideklara ang Communist Party of the Philippines and the New People’s Army bilang terrorist groups.
Naging argumento ni Badoy na kapag na-cite ng contempt ay magiging infringement sa kanyang kalayaang magpahayag at ang freedom of the press dahil isa lamang daw itong kritisismo sa maling desisyon ng korte.