Hinamon ni Baguio City Mayor at retired General Benjamin Magalong ang mga mababatas na iwasan ang mga corrupt practices katulad ng pagkuha ng mga kickback mula sa mga govrenment project.
Sa isang pahayag, sinabi ni Magalong na may mga mambabatas at mga local chief executives pa rin ang nakakakuha ng kanilang mga pork barrel funds, daan upang makontrol nila ang implementasyon ng mga malalaking government projects.
Sa nasabing paraan aniya ay nakakakuha ang mga ito ng malalaking mga komisyon.
Ayon kay Magalong, maraming mga local officials at mga mambabatas ang nakakakuha ng 10% hanggang 25%mula sa mga infrastructure project sa buong bansa.
Maging ang mga miyembro aniya ng Bids and Awards Committee ay nakakatanggap din ng komisyon, dahilan kung bakit halos 40 hanggang 50% lamang ang naiiwang pondo sa mga proyekto sa bansa.
sa ganitong sistema, laging lumalabas na substandard ang mga proyekto sa
Ayon sa dating heneral ng Pambansang Pulisya, maraming mga mambabatas at mga LGU officials ang nagagawang makipagsabwatan sa mag miyembro ng Bids and Awrds committee, at upang maibigay lamang sa kanila ang kontrata ng mga INfra project, lalo na at marami sa mga ito ay mga patagong contractors at mga suppliers.