-- Advertisements --
Nanumpa na bilang bagong executive secretary ng Marcos administration si retired Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin.
Personal siyang humarap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang panumpaan ang bagong tungkulin.
Si Bersamin, ay 72 taong gulang at tubong Bangued, Abra.
Matapos magsimula bagong trabaho, agad na rin siyang sasalang sa Malacañang para sa cabinet meeting ngayong araw.
Si Bersamin ang pumalit kay Atty. Vic Rodriquez na nagbitiw sa nasabing tungkulin at itinalaga bilang presidential chief of staff ni Pangulong Marcos.