ILOILO CITY- Ililibing na ngayong araw ang dating presidente ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) at the late Archbishop Emeritus Angel Lagdameo.
Matandaan na namatay si Lagdameo noong Hulyo 8 sa edad na 81.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rev. Father Angelo Colada, director ng Social Communications sang Archdiocese of Jaro, sinabi nito na alas-nueve ngayong umaga, may gagawing misa at pagkatapos nito, ilalagay na ang urn sa columbarium.
Aniya, bukas sa publiko ang libing ng dating CBCP president.
Ang mga inaasahang dadalo ay ang mga obispo mula sa iba’t-ibang mga diocese at mismo si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.
Matandaan, si the late Archbishop Lagdameo ay nagserbeng presidente ng CBCP noong December 2005 hanggang December 2009.










