Patuloy na umanong ngpapagaling sa New Bilibid Prison (NBP) hospital si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ito ay kasunod ng napaulat na balitang tinangkang dalhin ang dating alkalde sa isang pagamutan sa Muntinlupa dahil sa iniinda nitong sakit at hinihinalang mayroong Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Usec. At Spokesman Markk Perete na negatibo raw sa covid test si Sanchez.
At dahil bumubuti na raw ang lagay ni Sanchez ay hindi na raw kailangan pang ilipat ito sa Philippine Generap Hospital (PGH).
Kahapon nang hilingin ni Sanchez na mailipat ito sa PGH dahil sa mga iniidang sakit.
Na-diagnose daw itong mayroong electrolyte imbalance na secondary sa acute gastro enteritis, chronic kidney disease, hypertension at benign prostatic hypertrophy.
Una nang dinala si Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa subalit hindi ito tinanggap nitong Lunes dahil sa wala na raw bakanteng kuwarte ang nasabing ospital kung kaya’t dinala na lamang ito sa BuCor Hospital.
Dinala sa pagamutan ang dating alkalde matapos makaramdam ng trangkaso at hirap sa paghinga.