Muling iginiit ni dating Bureau of Correction chief Gerald Bantag na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng isang radio commentator na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.
Dahil dito ay hinamon ni Bantag ang kanyang pagkaka indict sa dalawang magkahiwalay na bilang ng kasong pagpatay na inihain laban sa kanya sa Court of Appeals.
Sa petisyon na inihain ng abogado ni Bantag, inakusahan nito si Justice Secretary Remulla, prosecutor general at panel of prosecutors na nag commit umano ng grave abuse of discretion matapos siyang sampahan ng dalawang kasong pagpatay sa korte ng Las Piñas at Muntinlupa.
Hinamon ni Bantag ang pagtanggi ng DOJ at ng prosecution panel sa paghawak ng mga imbestigasyon sa pagpatay habang pilit na ginagawang ukano ng butas ang teorya ng prosekusyon sa pagkamatay nina Lapid at Mabasa
Samantala, kabilang rin sa naghain ng petisyon ay ang kanyang dating deputy officer na si Ricardo Zulueta.