-- Advertisements --
Naging emosyonal si dating White House aide Hope Hicks ng magbigay ng kaniyang testigo sa hush money trial ni dating US President Donald Trump.
Si Hicks ay nagsilbing campaign spokesperson ni Trump noong 2016 at siya rin ang close confidante.
Sa nasabing pagdinig ay naghain si Trump ng not guilty plea sa 34 counts ng pamemeke ng kaniyang business records para pagtakpan ang pagbabayad nito kay adult star Stormy Daniels.
Sa pagkuwento ni Hicks sa korte sa New York ay emosyonal ito lalo na at naging mapangahas ang pagtrato ni Trump sa kaniya.