-- Advertisements --

Inaasahang bubuo ng isang database ang Department of Social Welfare and Development para sa mga pamilya, mga bata, at lahat ng indibidwal na maituturing na palaboy at nakatira sa mga lansangan.

Ito ay bahagi ng hangarin ng proyektong Oplan Pag-abot kung saan ang pangunahing layunin ay ang mabigyan sila ng sapat na tulong.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mahalaga na magkaroon ng database upang malaman ang profile ng mga ito, at mamonitor ang progreso ng kanilang buhay habang sila ay tinutulungan ng pamahalaan.

Bahagi ng ilalagay sa profile ng mga ito ay ang probinsya kung saan sila nanggaling, dahilan ng pag-alis sa probinysa, posibleng mga kaanak, at iba pa.

Ito ay maliban pa sa biometrics at ID na kaakibat ng nasabing programa,

Matatandaang una nang inilunsad sa Metro Manila ang Oplan Pag-abot program ng DSWD, kung saan nagpapatuloy ang pag-iikot ng buong team sa ibat ibang mga lansangan dito sa kalungsuran.