-- Advertisements --

Dalawampu’t limang pasahero ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng matinding turbulence ang isang Delta Air Lines flight mula Salt Lake City patungong Amsterdam noong Miyerkules (araw sa Ammerika).

Ang Flight 56, sakay ang 275 pasahero at 13 crew, ay napilitang lumapag sa Minneapolis-St. Paul International Airport bandang alas-8 ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Delta, agad nagresponde ang mga paramedic at bumbero upang magbigay ng paunang lunas sa mga nasugatan.

Dinala sa ospital ang 25 katao para sa karagdagang pagsusuri at gamutan. Nasa ligtas na ngayong kalagayan ang iba pang sakay ng eroplano.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente, habang nagbigay ng suporta ang airline sa mga apektadong pasahero.