-- Advertisements --

Hindi na mapapakinabangan pa ng mga otoridad ang dashcam footage ng bus na nahulog sa bangin sa Hamtic, Antique.

Wasak-wasak na kasi ang mismong dashcam nito nang magawang maretrieve ng mga otoridad mula sa nahulog na bus dahilan kung bakit hindi na ito mapapakinabangan pa sa nagpapatuloy na imbestigasyon ngayon ng mga kinauukulan hinggil sa naturang trahedya.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makakatulong sana sa kanilang imbestigasyon ang naturang dashcam footage upang alamin kung nagkaroon ba ng brake malfunction sa naturang bus crash.

Samantala, dahil pa rin sa naturang aksidente ay inirekomenda na ni Antique Governor Rhodora Cadia sa Department of Public Works and Highways na isara na ang “killer curve” na kalsadang ito na prone talaga sa mga aksidente upang maiwasang hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya na kumitil sa buhay ng mahigit isang dosenang katao na lulan nito.