Isang hindi malilimutang karanasan para sa young singer na si Darren Espanto ang pagiging special guest nito sa Singer 2019.

Nabatid na nakasama ng 17-year-old singer sa stage ang iba pang international artists sa the finale ng nasabing Chinese singing competition.

Kabilang dito ang batang singer na si Daneliya Tuleshova ng Khazakstan, Polina Gagarina mula Russia, at rapper Air ng China, kung saan nagbigay sila ng sariling rendisyon sa “We Are the World” ng supergroup ng U.S.A. for Africa.

“Tonight is very memorable! Performing with these crazy talented artists is truly an experience I will never forget!” ani Espanto.

Noong nakaraang taon nang maging pambato ng bansa sa naturang kompetisyon si KZ Tandingan ngunit bigo itong makaabot sa finals.

May pagkakataong inawit pa nito ang hit song na “Anak” sa pamamagitan ng pinaghalong Filipino version at Mandarin translation.