-- Advertisements --
image 362

Iniulat ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagtaas ng bilang ng mga naibigay nitong titulo ng lupa sa mga nakalipas na taon.

Batay sa datus ng DAR, mula Hulyo 2022 hanggang Oktubre 2023 kung kailan namumuno si PBBM, umabot na sa 17,379 ang bilang ng mga titulo ng lupang naipagkaloob sa mga benepisyaryo.

Ito ay binubuo ng 16,843 katao(Agrarian Reform Beneficiaries) na karamihan ay mga magsasaka.

Kasabay nito, umapela naman ang DAR na palawigin pa ang panahon na ibinigay sa kanilang tanggapan upang maipamahagi nila ang lahat ng titulo sa mga magsasaka.

Paliwanag ni DAR Secretary Conrado Estrella, nakatakda kasing magpaso ito sa December 2024.

Hiling ng kalihim, bigya pa sila ng palugit na hanggang 2027.

Katwiran nito, maraming mga magsasaka ang naapektuhan ng nakalipas na pandemiya, habang humarap din sa samu’t-saring problema ang ahensiya.

Ang naturang palugit ay sapat na aniya upang matugunan ang naturang proyekto.