Nararapat lamang umanong makasama ang mga natalong partylist nominees sa umiiral na one year appointment ban sa ano mang pwesto sa gobyerno.
Ito ang iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos italaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Communications Operation Office (PCOO) Asec. Mocha Uson
bilang bagong Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Giit ni Guanzon, hindi dapat maituring na “favored class” ang mga partylist group dahil hindi naman sila “protected class.”
Maalalang nominee si Uson ng AA-Kasosyo partylist noong May 2019 elections pero hindi pinalad na makakuha ng pwesto sa Kongreso.
Una rito, Mayo 2017 nang maupo si Uson bilang assistant secretary ng PCOO pero nagbitiw noong isang taon matapos ang ilang kinasangkutang kontrobersiya.