Iginiit ni Senadora Nancy Binay na dapat mas tumutok ang Inter-Agency Council Against Trafficking’s (IACAT) sa paggamit ng teknolohiya para mapahusay ang profiling sa halip na pabigatin ang mga travellers sa mga tax documents
Ayon kay Binay, ang mga bagong hakbang ay napakahigpit sa mga travellers ngunit wala namang katiyakan sa pagpapahinto ng human trafficking.
Kung nagdududa ang immigration sa background ng travellers at kasamang biktima doon lang dapat mag-cross checking ng impormasyon ang immigration sa kanilang database.
Gumagamit ang immigration officials ng kumbinasyon ng mga pamamaraan at pamantayan upang matukoy ang mga travellers na maaaring magdulot ng panganib sa seguridad.
Ayon pa kay Binay, dapat higpitan yung mga babyahe papunta sa mga bansa na walang visa at mataas ang human trafficking cases.
Dagdag pa, at dahil may opsyon na ang mga pasahero na mag-check-in online, sinabi ng senador na ang sistema ay maaari nang maiugnay sa isang highly-secured database kung saan ang mga red flag ay ipinapasa sa mga awtoridad para sa agarang aksyon.