-- Advertisements --

Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dapat managot sa batas ang mga nagpasimuno o mastermind ng people’s initiative. 

Ang pahayag ni dela Rosa ay kasunod ng paunang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation hinggil umano’y bayaran o payout kapalit ng lagda para sa people’s initiative. 

Ayon kay dela Rosa,  kahit na sinuspinde na ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga proceedings kaugnay ng people’s initiative, ay dapat makilala kung sino-sino ang mga nanloko sa ating mga kababayan para pumirma sa kaniyang tinukoy na “Politicians Initiative.” 

Aniya, ito ay upang hindi na maulit pa sa mga susunod na pagkakataon.

Masakit para sa senador na pinagsamantalahan ang kahirapan ng marami sa ating mga kababayan.

Ang iba aniya ay pinangakuan ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), o Department of Labor and Employment (DOLE)

Ngunit hindi malinaw sa kanila kung ano ang kanilang pinirmahan.