-- Advertisements --
image 245

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Julius Laud Villones, project worker ng nasabing paliparan, bumigay ang acoustic board ceiling ng nasabing paliparan kung saan iilang pasahero ang nadaganan ngunit minor injuries lamang ang kanilang natamo.

Wala namang dapat na ikakabahala sa mga kasamahan niyang Pinoy dahil accounted silang lahat sabay pahayag na malalaman na ngayong araw kung maaaring dulot nitong mga sira o kaya’y injuries dahil patuloy pa nilang nararamdaman ang malalakas na aftershocks.

Samantala ngayong araw din malalaman ng Filipino Community ng Solomon Islands kung may mga Pinoy bang apektado sa magnitude 7 na lindol sa naturang island nation kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Fil-Com president Myrtle Atienza na dahil sa lakas ng lindol ay agad silang naglabasan mula sa kani-kanilang opisina habang pinapalabas din ang mga mag-aaral na pinasundo rin sa kani-kanilang mga magulang dahil sa sunod-sunod na malalakas na aftershocks.