BUTUAN CITY – Umabot na sa 100-ektaryang sakahan ang nadanyos sa buong Caraga Region na hatid ng mgapagbaha dahil sa nakalipas na shearline at low pressure area kungsaan grabeng na-apektuhan ang bayan ng Sta. Josefa sa Agusan del Sur.
Patuly pa ngayon ang validation ng National Irrigation Administration o NIA-Caraga sa mga danyos na hatid ng masamang panahon sa mga irrigation system gaya ng mga dams.
Ayon kay regional irrigation manager Engr. Ruby Tuan, wala pa silang tamang datus sa mga danyos lalo na sa mga dams dahil puno pa ang mga ito ng tubig at hindi nila makikita ang mga bitak sa kanilang irrigation system.
Sa ngayo’y nasa 70% pa lamang ng physical accomplishment ang na-abot ng kanilang tanggapan para sa 2023 projects, na ang pundo ay mula sa General Appropriation Act at di pa kasali ang mga foreign investors.
Tiniyak ni Engr. Tuan na mas pinagtibay pa nila ang mga serbisyo para sa mga magsasaka nitong rehiyon.