-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang ina-assess ng Office of the Civil Defense (OCD) Caraga ang kabuu-ang danyos na hatid mga pagbaha at landslides sa buong rehiyon dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan na hatid ng bagyong Vicky.

Sa ngayo’y walang naitalang casualty sa kabila ng mga naganap na mga landslides sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Lingig pati na sa Brgy. Sibahay sa bayan ng Lanuza at Bislig City na parehong sakop ng Surigao del Sur na dali namang na-cleared kung kaya’t madadaanan na ng lahat na uri ng mga sasakyan.

May mga pagbaha ring naitala sa halos buong rehiyon matapos na umapaw ang tubig-baha mula sa mga ilog at iba pang mga tributaries na naka-apekto sa water supply nitong lungsod at linya naman ng kuryente sa lalawigan ng Surigao del Sur at Agusan del Sur matapos ang landslides sa lokasyon ng kani-kanilang sub-station.

Patuloy na mino-monitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC)-Butuan ang level ng tubig sa Agusan River dahil inaasahang tataas ito dahil na rin sa tubig-baha mula sa Davao Region na dadaloy lalo na’t catch basin ang Agusan River ng mga tubig mula sa kalapit na rehiyon ng Davao.