Reading Time: 1 minute

Kinumprima ni Joachim B. Olsen, miyembro ng center-right Liberal Alliance party, na siya nga ang lalaking makikita sa advertisement na lumalabas sa PornHub, isang porn-streaming site.

Ito raw ang naisip niyang makabagong paraan upang kumalap ng mga botante para sa nalalapit na general election sa Denmark sa darating ng Hunyo 5.

Matapos daw na manuod ng video sa nasabing site ay makikita ang advertisement na “vote for Jokke.”

“Jokke” ang nickname ni Joachim.

Si Olsen ay dating Olympic shot putter na ngayon ay sinusubukan ang kanyang kapalaran sa gobyerno. Naisip umano ni Olsen na bihira lamang sa mga pulitiko ang maglagay ng advertisement sa Pornhub kung kaya’t ginawa niya ang ideyang ito.

“Half of the internet is porn. And you have to be where the voters are. Also on a porn site,” ani Olsen.

Base sa self-reported statistics ng Danish Broadcasting Corporation (DR), umaabot ng halos 100 milyong users ang bumibisita sa porn site na ito at ika-28 na bansa naman ang Denmark na nagiging sanhi ng traffic sa nasabing website.

Inaamin naman ni Olsen na may kapalit ang ginawa niyang ideyang ito ngunit buong loob daw niyang tinatanggap ang mga kritisismo na ibinabato sa kanya ng ibang mamamayan.