DAVAO CITY – Aabot sa P2.4 million ang natalang damyos sa nangyaring sunog na umabot sa 3rd alarm sa San Isidro Labrador, Dumalag 1, Diego Silang, Brgy 75-A sa lungsod ng Dabaw.
Ayon sa Ecoland Police Station at ng Bureau of Fire Protection XI, nasa 150 na mga residential houses ang natupok.
Hindi na naisalba pa ng mga residente ang kanilang mga kagamitan maliban na lamang sa kanilang sarili.
Sa kasalukuyan, temporaryong nananatili ang mga apektadong residente sa Shanghai Gym sa Dumalag 3 at sa San Lorenzo Gym.
Nanawagan ngayon ang mga residente sa lokal na pamahalaan ng tulong gaya na lamang ng tubig inumin, pagkain at damit na masusuot.
Patuloy paring inaalam ng lokal na pamahalaan kung ilang pamilya ang apektado upang agad silang mabigyan ng tulong.