-- Advertisements --

Hindi bababa sa $34 bilyon ang naging danyos ng tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa southern Turkey noong Pebrero 6.

Ayon sa World Bank, ito ang pagtanya nila sa mga danyos ng malakas na paglindol.

Ang nasabing halaga ay katumbas ng apat na porsiyento sa Gross Domestic Products ng Turkey noong 2021.

Hindi pa aniya ito kasama ang halaga ng reconstruction na inaasahang magiging doble ang halaga.

Hiwalay din ang nasabing halaga sa danyos sa northern Syria na naapektuhan din ng paglindol.

Sinabi ni Humberto Lopez, ang World Bank Country Director sa Turkey na ang mga nararanasana aftershocks ay siyang magdadagdag ng halaga ng damyos sa lindol.

Pagtataya din nila na mayroong 1.25 milyong katao ang naiwang walang matitirahan dahil sa nasabing lindol.

Magugunitang aabot sa mahigit 50,000 katao na ang nasawi dahil sa nasabing malakas na paglindol na tumama sa Turkey at Syria.