-- Advertisements --

Minultahan ng NBA sa halagang $750,000 ang Dallas Mavericks.

Ito ay dahil sa pinagpahinga nila ang ilang mga sikat na manlalaro gaya nina Kyrie Irving sa paghaharap nila laban sa Chicago Bulls.

Inakusahan ng NBA ang Dallas na sinadya nilang hindi palaruin ang mga sikat na players nito para magpatalo.

Ang nasabing paglabag ay naayon sa player resting policy.

Kinondina ni NBA executive Vice President Joe Dumars ang ginawang ito ng Dallas na nakakasira sa integridad ng basketball.

Una ng kinumpirma ni Dallas coach Jason Kidd sa pagpapahinga ng ilang mga manlalaro gaya nina Irving, Christian Wood at Tim Hardaway Jr.