-- Advertisements --
Muling natukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang presensiya ng red tide sa dalawang probinsya sa bansa.
Kinabibilangan ito ng mga karagatang sakop ng Dauis at Tagbiliran City sa Probinsya ng Bohil at Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur.
Ang mga nasabing bahagi ng katubigan ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o mas kilala bilang red tide toxin, na mas mataas kumpara sa regulatory limit.
Ipinagbabawal pa rin ang pangongolekta at pagkain ng alamang at mga shelfish sa mga nasabing lugar.
Gayonpaman, ang mga mahuhuling isda, pusit, hipon, at mga talanka mula sa dalawang probinsya ay maaari namang kainin, bastat malinisan at maluto ng maayos.
Kailangan ding itapon ng maayos ang mga internal organs ng mga ito.