Sasabak sa 2022 Wonju Dynamic Dancing Carnival sa South Korea ang dalawang lungsod sa Cebu na kinabibilangan ng Toledo City at Lapu-lapu City.
Kahapon lang ng umalis sa bansa ang dalawang koponan.
Isasagawa ang kumpetisyon simula ngayong araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 3 ng taong kasalukuyan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang Lapu-Lapu City Performing Arts kung saan suportado naman ni Mayor Junard Ahong Chan at sinamahan pa ang mga performers sa South Korea.
Inihayag ni Chan na isa na umano itong pagkakataon upang maisulong naman ang mga tourist destination ng lungsod bilang destinasyon ng mga turista at para palakasin ang industriya ng turismo.
Itatanghal ng lungsod sa prestihiyosong festival ang Kadaugan sa Mactan o ang Battle of Mactan habang Hinulawan festival naman ang itatanghal ng Toledo City.
Matatandaan na naging defending champion para sa Foreign Performance Group category ang Joyful Tribe ng Toledo noong nakaraang taon.