NAGA CITY – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang dalagita matapos na malunod sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Cyrene Soriano, 15-anyos na residente ng Zone 3, Topas Sogod ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, naliligo umano ang biktima sa ilog kasama ang kanyang kapatid at mga kaibigan nang makita nito ang kapatid na nalulunod.

Tinulungan daw ng biktima ang kanyang 11-anyos na lalaking kapatid ngunit tinangay naman ito ng malakas na agos ng ilog at tuluyang nalunod.

Kaagad pang dinala sa Medical Mission Group Hospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ng attending physician.

-- Advertisement --