Orbino 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nailigtas ang dalagita na dinukot ng kanyang masugid na manliligaw sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Renrose Alojado Orbino,12 anyos at residente ng Barangay Midpapan 2 Pigcawayan North Cotabato.

Nahuli naman ang suspek na si Abner Manife, 48 anyos.

Ayon sa ulat ng Cotabato PNP na natunton ng mga kamag-anak ng biktima na dinala ito ng suspek sa Barangay Asbang Matanao Davao Del Sur.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Pigcawayan PNP katuwang ang Matanao PNP kasama ang mga kamag-anak ng dalagita.

-- Advertisement --

Nailigtas ang biktima habang nahuli naman ang suspek sa tahanan ng kanyang kamag-anak.

Matatandaan na dinukot ng suspek ang dalagita at ginayuma umano kaya sumama.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng PNP at nakatakdang sampahan ng kaso ng mga kamag-anak ng biktima.