-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 42% na pagtaas sa average na pang-araw-araw na bagong kaso ng COVID-19 mula Abril 24-30, 2023.

Sinabi ng DOH na nasa mahigit 600 bagong impeksyon kada araw sa buong bansa ang naitatala.

Samantala, 1,263 bagong kaso ang naiulat ng departamento noong Abril 30, kung saan umabot na sa 4,093,421 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Iniulat din ng independent monitoring group na OCTA Research na ang pitong araw na COVID-19 positivity rate sa National Capital Region ay sumipa sa bagong mataas na 17.2%. noong nakaraang linggo.

Ayon kay OCTA Fellow na si Dr. Guido David, tumaas din ang positivity rate sa maraming probinsiya kabilang dito ang Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Isabela, Palawan, at Pampanga.

Ang Camarines Sur ay ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na 39.7%.

Sinundan ito ng Rizal sa 28.5%, pagtaas mula sa dating 21.7%, at Cavite, na tumaas mula 11.1% hanggang 28.1%.

Tumaas din ang positivity rate sa Laguna mula 13.2% hanggang 21.2%.

Una nang sinabi ni Dr. David na hindi pa naman kinakailangan ang mandatoryong pagsususot ng facemask sa kabila ng pagsipa ng mga kaso ng COVID19.