-- Advertisements --

Dahil sa seguridad pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre di bibisita massacre site bukas kasabay ng 12 yr anniversary; civil compensation, di pa nila natatanggap

KORONADAL CITY – Dismayado at takot pa rin sa ngayon ang ilang mga pamilya ng mga biktima ng madugong Maguindanao Massacre kahit na convicted na ang ilang mga major suspects sa itinuturing malamig na krimen.

Ito ang inihayag ni Gng. Emily Lopez,President, President ng Justice Now Movement sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal, kasabay ng ika-12 taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa Sitio Masalay, Brgy.Salman, Ampatuan ,Maguindanao.

Ayon kay Lopez, kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas nang mangyari ang pinakamalagim na political related crime sa bansa natatakot pa rin sa kanilang seguridad ang mga kamag-anak ng mga biktima lalo na at nakalabas na sa kulungan ang ilang mga may kaugnayan sa krimen.

Dagdag pa nito, patuloy ang kanilang apela para sa ilang mga suspek lalo na’t wala pa ring may natatanggap na civil compensation ang bawat pamilya hanggang sa ngayon.

Una na ring nag-alay ng misa, nagsagawa ng webinar conference, case updates at candle lighting sa lungsod ng Heneral Santo ang ilang pamilya upang gunitain ang mga mahal nila sa buhay.

Kasabay nito, hinihikaya’t ni Lopez ang mga pamilya ng mga massacre victims na magsindi na lamang ng kadila sa sementeryo dahil na rin sa restriksyon dulot ng Covid-19 protocols.