-- Advertisements --
doj GUEVARRA
doj GUEVARRA

Handa na raw ang Department of Justice (DoJ) na bigyan ng proteksiyon ang mga sumukong dating mga miyembeo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakahanda ang witness protection program (WPP) ng DoJ na bigyan ng proteksyon ang mga sumukong kadre ng CPP-NPA-NDF na lumantad at isinawalat ang mga anomalya ng kanilang dating kinaaniban komunistang grupo na naging resource person ngayon ng senado kaugnay sa iniimbestigahan nitong red tagging issue.

Ayon kay Sec. Guevarra, hihintayin lamang nila ang endorsement mula sa senado at isasailalim ito sa evaluation pagkatapos nito ay magpapalabas sila ng kautusan ukol dito.

Karaniwan ay ilalagay muna sa provisional WPP ang mga humihingi nito bago ilagay sa full coverage.

Una rito, nanawagan ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa pangunguna ni Jeffrey Celiz at ka Eric kay Guevarra na sanay manigyan din sila ng proteksyon sa pamamagitan ng WPP.

Nangangamba raw kasi ang mga ito dahil batid nilang nasa hitlist na sila ng kanilang dating kinaanibang grupo dahil sa kanilang pagsisiwalat ng kabulokan ng CPP-NPA-NDF.

Kabilang na dito ang pangre-recruit ng mga kabataan partikular na yung mga mag-aaral.

Sina ka Eric at iba pa ay kabilang sa naging resource person ng Senado sa isinasagawang nitong imbestigasyon kaugnay sa umanoy red tagging ng pamahalaan sa mga sinasabing supporters ng CPP-NPA-NDF.