-- Advertisements --

Nakahanda umanong ipaglaban ni Sen. Panfilo Lacson para maging ganap na batas at mapopondohan mula sa 2020 national budget ang dagdag na sahod ng government nurses.

Ayon kay Lacson, hindi nagtatapos sa pagkakapasa sa Senado ang pagpupursige niya na maiakyat hanggang P30,531 ang monthly salary ng mga nurse na nagsisilbi sa mga pampublikong pagamutan.

Nabatid na nangangailangan ng P3.173 billion para mapunan ang salary upgrade na ito ng government nurses.

Pero giit ni Lacson, compliance lamang sa desisyon ng Supreme Court ang pagsisikap niyang maitaas ang buwanang sahod ng mga nurse.

“They don’t have to wait six months or another year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” wika ni Lacson.