Kasalukuyang itinatayo ang karagdagang mga irrigation infrastructure at dams para matugunan ang mga epekto ng El Niño sa buong bansa ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya, kailangan ang iba’t ibang paraan para matugunan ang naturang weather phenomenon dahil ilang parte ng Luzon at Visayas lalo na sa Western Visayas ay natutuyot na habang inaasahan naman ang mga baha sa Mindanao na nakakaranas aniya ng iba’t ibang epekto ng El Nino.
Sinabi din ng Pangulo na susuporthan ng iirrigation infrastructure ang food security program ng pamahalaan at suplay ng pagkain sa bansa.
Una na ngang iniulta ng state weather bureau na nasa 24 na probinsiya sa Luzon at probinsiya ng Visayas ang posibleng makakaranas ng tagtuyot kabilang ang 17 mga probinsiya na makakaranas ng dry spell habang ang 1- probinsiya naman ay makakaranas ng dry conditions.