-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng isa sa mga economic managers ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng dagdag na kapasidad sa mga establishimento, kung ilalaan ito para sa mga bakunado ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, magsisilbi itong reward sa mga nagpabakuna at makakatulong din sa pagpapalakas ng ating ekonomiya.

Ginawa ni Concepcion ang pahayag sa pagharap niya sa mga opisyal ng Chamber of Thrift Banks nitong Biyernes, kasabay ng panunumpa ng mga bagong opisyal ng chamber para sa taong ito.

Kabilang sa mga opisyal si Bombo Radyo Philippines at Queen City Development Bank (QCDB) president Ms. Margaret Ruth Florete.

Kabahagi rin ang iba pang mga kinatawan ng mga bangko mula sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Pero dahil sa umiiral na pandemya, ginawa muna ang panunumpa ng bagong set of officers sa pamamagitan ng virtual event.

Ayon pa kay Concepcion, kumunsulta na siya kay Justice Sec. Menardo Guevarra para sa ligalidad ng mga nais na adjustment para sa mga tumutulong sa bansa na mapalakas ang ating ekonomiya.