-- Advertisements --

Inanunsyo ng Estados Unidos na magbibigay sila ng panibagong tulong sa bansang Ukraine na halos tatlong bilyong dolyar, bilang tulong militar laban sa pagsakop ng Russia.

Nitong araw ay nagkataong ipinagdiriwang ng Ukraine ang kanilang independence day laban sa Soviet Union.

Sinabi ni Pangulong Joe Biden na layon pa rin nito na tulungan ang bansa dahil sa pagsalakay ng russia sa mahabang panahon na pumasok na ngayon sa halos ika-pitong buwan ng taon.

Ayon din kay Biden alam niya na ang araw ng kalayaan na ito ay mapait para sa maraming Ukrainians dahil libu-libo ang napatay at nasugatan at ang iba pa ay nawalan ng bahay at naging biktima ng kalupitan at pag-atake ng Russia.

Sinabi pa ni Biden na binabati nya ang mga Ukranians dahil na rin sa naging inspirasyon ang mga ito upang makamit ang kalayaan.

Tiniyak din naman ng lider ng Amerika na patuloy silang susuporta at ipagtatanggol ang bansang Ukraine.

Sa ngayon tinututukan ng Estados Unidos ang tulong seguridad at agarang pangangailangan ng Ukraine.

Samantala bago ang anunsyo ni Biden ay una na ring nag-abot ito ng $775 milyon na tulong militar ang US para sa ukraine.

Tinukoy naman ni Biden na ang $2.98 billion package ay magbibigay pagkakataon sa Kyiv na makakuha pa ng air defence systems o “artillery systems and munitions, counter-unmanned aerial systems, and radars.”

“I know this independence day is bittersweet for many Ukrainians as thousands have been killed or wounded, millions have been displaced from their homes, and so many others have fallen victim to Russian atrocities and attacks,” ani Biden sa statement. “But six months of relentless attacks have only strengthened Ukrainians’ pride in themselves, in their country, and in their thirty-one years of independence.” (Bombo Merry Chill Emprido)