-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng dagdag-bawas ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Nitong ala-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P0.45 sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.60 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

Nagbawas din ng P1.05 sa kada litro ang kerosene.

Base sa Department of Energy na mula Enero ay mayroong P7.75 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P5.10 sa diesel at P1.05 naman sa kerosene.