-- Advertisements --
CV2

Daan-daang mga indibidwal ang pinagsabihan ng Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng implementasyon ng mahigpit na quarantine border control checkpoints.

Pinagana ng PNP ang kanilang mahigpit na Quarantine Control Points, alas-12:00 ng hatinggabi ng August 1, 2021, batay sa direktiba ni DILG Sec Eduardo Ano.

Personal namang nag-ikot sa iba’t ibang border control chekcpoints si PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield commander Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson sa may Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas, upang alamin ang sitwasyon ng mga borders at makita ang estado ng mga pulis na nagmamando ng quarantine border control points.

Sinabi ni Dickson, dahil unang araw ng implementasyon kahapon ng istriktong border control points nagkaroon ng inconvenience sa mga checkpoints, marami din sa mga kababayan natin ang bumalik na lamang sa kanilang mga destinasyon at hindi na nagpumilit pang makadaan sa mga border control points.

CV5

Sinabi ng heneral na nadala naman sa pakiusap ang mga kababayan natin na bawal na silang pumasok lalo na ang mga non APOR o non Authorized persons outside residence.

Ayon kay Dickson walang naitalang mga untoward incidents sa mga quarantine control points.

Binigyang-diin kasi ng heneral sa mga police personnel na nagmamando ng checkpoints na maging mahinahon respetuhin ang karapatang pantao ng mga mamamayan.

Apela naman ng heneral sa mga pasaway na mga indibidwal na sana intindihin nila ang trabaho ng mga pulis dahil ang kanilang ginagawa ay para sa kabutihan na lahat.