-- Advertisements --

Nagtipun-tipon at nagprotesta ang daan-daang katao sa Tel-Aviv kasunod ng pagkakapaslang ng Israel Defense Forces sa 3 Israelis na bihag sa Gaza.

Hawak ng mga ito ang mga placards at kandila habang nagmamartsa sa military base sa Tel Aviv at nanawaan sa Israeli government na makipagkasundo para sa pagpapalaya ng natitirang mga bihag na dinukot ng militanteng Hamas noong October 7 attack.

Kabilang sa mga napatay ng IDF ang mga kalalakihan na Israeli nationals na sina Yotam Haim, Samer Talalka, at Alon Shamriz na nabaril ng mga tropang militar ng Israel matapos ma-misidentify umano bilang banta sa nagpapatuloy na ground offensive ng Israeli military sa hilagang bahagi ng Gaza.

Nagpahayag naman ng lubos na pagsisisiang IDF sa pagkakapaslang ng 3 sa kanilang mamamayan at inihayag na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa nangyari.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 100 pa ang bihag ng Hamas na nananatili sa Gaza.