-- Advertisements --

Hinuli ng mga pulis sa Belarus ang daan-daang raliyista nna nagtipon-tipon sa Minsk at iba pang syudad sa dating Soviet Republic.

Ang mga demonstrador na nasa labas ng presidential palace ay pinagbabato ng mga pulis ng pepper spray at pinaghahampas din ng kanilang baton.

Libu-libong katao ang nag-rally sa syudad ng Minsk dahil sa kanilang pagnanais na magbitiw sa pwesto si President Alexander Lukashenko.

Ilang myembro na rin ng oposisyon ang umalis ng naturang bansa dahil sa lumalalaang kaguluhan.

Si Lushenko ay apngulo na ng Belarus simula noong 1994 kung saan nahaharap ito sa di-umano’y pangingialam sa Western nations.